Friday, June 01, 2007

Breast Feeding

Lately, Ive been seeing mothers who breast feed their babies anywhere, from a crowded place like quiapo church to a blockbuster jeepney reigning over a very polluted hi-way. Is it just me? Or the people around me?

Society is changing over time. Someday, dont be shocked if you see topless women walking around the metro... and its not just for a "rally". Hays, one of the "perks" of being in a very "liberated" environment... *You wish

Thought of the day: "I am tired of being single."

I wanna be a father. Happy fathers day to me. ^_^

Thursday, May 31, 2007

Failed

I was trying to change my template (Kasi may mga demanding friends akong gustong maglagay daw ng comment sa posts ko). I think it needs a litte renovation naman din. But I failed to find something cooler than my previous blog. Out of frustration, I ended up with this typical template. I'll just change it some other time.

So ano na balita ngayon? Eto, as usual am trying to burn time. Di pa kasi nagsisimula ang two hours of productive time ko kaya hanggang ngayon wala pa akong nagagawang kapakipakinabang para sa school. Hahaha....

50 plus na ang students ko this sem, hopefully dumami pa para maging three sections para mas malaki sweldo. Majority ng mga students, as expected, is babae. Hehehe....

Bawal yang iniisip ko, kulong ang abot natin.

*Isang malaking "X" dito

Wednesday, May 30, 2007

Sweat-y

I just finished putting up the kitchen laboratory that we're gonna use this sem. Two hundred thousand worth of kitchen supplies. I had this "Woah!-I-have-two-hundred-thousand-pesos-on-hand!-Cold-cash!" feeling last Monday because the school paid for it in CASH, not check, not credit line thingy but CASH!!! I felt damn rich at least for a while. Haha..

I worked for two hours today (like what I have told you, I stay here for nine hours everyday, seven hours for all the surfing, bumming and cancer break mode, two hours for work), trying to put the equipment out of their boxes. When my boss saw me all sweat-y, she asked someone to give me a new school shirt! (Mama? Ikaw ba yan?). So now, am wearing a new shirt. Cool!

I feel GOOD here, everyone cares...

*New world!

Been a while

Its been a while blog...

Let this be a start of something new, I'll try keep you posted from now on (fyi, i made this post out of boredom and since this is what I feel everyday, I think I'll be able to visit this blog more often!) I am being paid to surf, relax and enjoy. Way way different from my previous job (obligation?).

Gimme me some time to gather my memorable job-related thingy(ies) and I'll try to post it here for you guys to enjoy. I would still have to check on my brain cells one by one though. Tizz...

Oh by the way, I am now a full time faculty (bummer).

*peace!

Wednesday, April 19, 2006

hays...

Todo na ang kaboringan nito. Medyo kinakalawang na nga ang aking blog, di pa rin nagagalaw. kasi naman, sino ba ang masisiyahan na magkwento ng mga walang kasense sense na bagay dito sa buhay ko?

eto ang aking buhay ngayon.

12:00pm gising
12:01pm ragnarok
3:00pm lunch
3:05pm ragnarok
8:00pm dinner
8:05pm ragnarok
12:00am ligo
12:15am ragnarok
5:00am tulog


kamusta naman ang paglalaro ng ragnarok no? sa kasalukuyan, wala akong magawa kung hindi ito. kaya kung tumatawag kayo sa bahay ay di kayo makakaconnect dahil busy sya the whole day. amf naman!!!

kaya nararamdaman kong kelangan ko nang maghanap ng trabaho bago pa man ako super malulong sa ragnarok. baka kasi ito na ang gawin kong hanapbuhay. wahehehe...

kaya nga pala ako bigla napasulat sa blog ko is because nabasa ko ang blog ni fafi paps. namiss ko tuloy ang mga college friends ko. waaaah... i miss you guys. nirerecommend kong basahin nyo rin ang blog ni fafs. mayroon syang stairways thing dun. wahaaha...

anyway, i have a pending application sa ayala corp. until now di pa rin ako tinatawagan. try ko rin mag apply sa pal at sa kung san man. tinatamad pa ako. nyeta! ano na ba ang gagawin ko kasi!

anyway... until then... good bye!

Thursday, March 09, 2006

Affect

hello. minsan pala boring na din ang blog no?

di natuloy work ko.

bored na ako. pumasa ako sa language proficiency exam. practicum report na lang at grade sa PE graduate na ako. salamat naman.

sa susunod na lang wala akong ganang magsulat.

Friday, February 03, 2006

May work na ako...

Tinawagan ako kanina na akala ko naman ay di na tatawag. Wakekeke... So ayun, may trabaho na ako. contract signing na lang at pasa ng requirements. Syet. tapyas.

Di ko pa natatapos prac report. Hello??? Asan ka na ba prac report??

Thursday, February 02, 2006

First Job Adventure

Hiya!!!

Kahapon naganap ang aking first ever real job adventure. And I didnt thought that it'll be such a dilemma for me. Man!

Tuesday

Natutulog ako. Ginising ako ng tawag ng friend ng kapatid ko. Here's the conversation:

Friend: Hi rhyan! I already told my friend about you. Sabi nya kailangan ka daw nya. Sinabi ko na rin na katatapos mo lang sa practicum mo tapos graduating ka.

Rhyan: Yes! salamat.

Friend: Pwede ka ba ngayon? mga 9 siguro? Ready na ba resume mo?

Rhyan: Kamusta yun? 8 na a. Kagigising ko lang po e. Pwede bukas.

Friend: Sure! sige. I'll text him. Mga 9 siguro okay?

Rhyan: Wow. sige salamat talaga a.

Wednesday

Late na ako nagising because i am not feeling well. Texted this friend to resked my schedule later afternoon. She said okay.

Nagbihis na ako. at umalis nung mga afternoon. ready for whatever will be. Nakarating ako sa ortigas at around 2:30pm. Nagpakilala, pinasagot ng mga questions sa essay. At OMG! san damukal na interview...

Interview #1 HR STAFF
HR Staff: Hi! tell something about urself.

Rhyan: Blah.. blah... blah...

After about 15 minutes...

HR Staff: Okay. I'll forward u to the HR Director.

Rhyan: (WUHHAAAT???)

Interview # 2 HR DIRECTOR

HR dir: Hi! Blah blah...

Rhyan: (boring...)

Interview # 3 Operations Manager

Oper: Wow!

Tinatamad ako magkwento kaya paliliitin ko na lang. At least nakita mo yung effort. The HR staff is boring. Hindi man lang ako nachallenge sa kanya. The HR director is boring to the next level. Parang mas nahirapan pa sya kesa sa akin. The operations manager is cool. Gusto nya akong kunin dahil galing ako UP, at galing ako sa theater at am a storyteller dati. Ilalagay daw ako sa Max Brenner (the chocolate restaurant sa Greenbelt 3) I said okay. Training for 2 weeks, then management training then after 6 months, supervisor. I said okay...

Okay na lahat. Naexcite na ako, naexcite na rin sya. Pinaupo ako sa reception tapos bigla akong ginulat after 5 minutes...

Mr Reyes! May problema tayo! Kelangan mo magpakalbo. Willing ka ba?

HUwaaaaaaaaat!!! Promise? Di nga?

OO! Promise.

Ma'am i cant decide today.

Okay. Just give me a call pag nakapagdecide ka na.

Pag tapos nun, gumuho ang mundo ko sa inakala kong trabaho na talaga na walang sablay na madali kong nakuha.

Thursday

Tumawag ako. Matapos ang matagal na pagmumuni muni, sabi ko nde ako magpapakalbo.

Oper wd her unusual masungit voice: Ah ganun? di ka magpapakalbo? okay. Tawagan ka na lang namin next week...

What the fuck! Kukunin ako tapos nung snabi kong di ako magpapakalbo inisnob ako? Ano kayang mangyayari next week? Leche sila. Kung sabagay. Experience din yun sa interview. Syet. DI man lang ako nachallenge. Buti sana kung 30k sweldo ko isang bwan. E leche! I want my hair! hehehe...

Mas maganda na ang maging bum kesa maging kalbo! Syet.


Friday, January 20, 2006

"Hello Wolrd and Hello Philippines!"

Bago lang lahat ay gusto ko sanang batiin ang mga sumusubaybay sa aking blog. Hello kina Binay ng UPHRIM CHE at si Kacey ng MassComm at UP REP.

Bwehekhek. Ang kakapal ng mga mukha nyo. Mga pangit! Dadalaw dalaw kayo hindi man kayo mag tag sa aking ever loyal at beautiful at maaasahang tag board. Leche! hehehe

Eto ulit ako, bum. *bow!

Nag aantay ng graduation, pinipilit ang di matapos tapos na prac report, ang clearance sa manila pen, ang Language Proficiency Exam at of course, ang aking YOGA class!

Sa ngayon. Namimili ako kung sa ako papasok. Kasi nga nag hahanap ako ng work. Meron sa Tokyo Tokyo bilang branch manager, meron sa Max's bilang trainer, Accenture, at marami pang iba. Pwede ring Receptionist sa Peninsula. Leche. Ang dami kong pinag pipilian. Kinakabahan tuloy ako. Feeling ko wala akong mahahanap na work in the end kasi maarte ako! hehehe..

Teka lang nga! maghahanap ulit ako sa internet! Kelngan ko na talaga kasing kumita ng gold bars! waaaah!!!

Wednesday, December 28, 2005

Napabayaan

Napabayaan ko na ang mga bagay sa paligid ko simula ng nagtrabaho ako sa PEN.

1. Napabayaan ko na ang social life ko, hindi na ako makapag mall o makapag Tom's World man lang (read: ang Tom's World ay isang parang world's of fun na nasa SM North, Ground floor, sa may fod court. Pinupuntahan ko ito kung nagyaya ang mga friends ko, kung walang magawa o kaya ay kung malungkot. Paborito ko dito ang basketball, Daytona at ang Time Crisis 2. Dito ko rin napanalunan ang stuff toys na sina Bugoy at si Baby Donald duck na iniwan ko sa mommy ng thesis partner ko na si Jac.)

2. Napabayaan ko na ang retainers ko. Hindi ako makapagsuot ng retainers kasi lagi akong on-the-go. Lagot siguro ako kay tita dentist kung mapapatawad pa nya ako at aayusin ulit ang retainers ko. Kung alam ko lang sana nagbraces na ako (as if may money)

3. Napabayaan ko na ang butas ko sa tenga. Bawal nga kasi ang hikaw sa loob ng pen, so nakalimutan ko nang ilagay sa tenga ko yung hikaw. Ngayon ko lang napansin ang tenga ko, hinahanap ko nga yung hikaw, hindi ko na makita. Nicheck ko na rin yung aking butas, nagsasara na kasi ayaw nang pumasok nung perdible na nitry kong ipasok.

4. Napabayaan ko na ang aking pagtulog. Lagi kasi akong kulang sa tulog. Puyat. Inaantok. Waaaah!

5. Napabayaan ko na ang aking mga friends. Di na kasi ako nakakadalaw sa UP para makipagkwentuhan sa kanila. Sabi nga nila, lagi na daw akong missing in action. Kamusta naman yung ganun? E nung college pa ako, di ako pwedeng mawala sa mga happenings. Hay!

6. Napapabayaan ko na pati ang aking pag aaply sa Pen. E kasi naman, wala akong oras para kumuha ng picture, Sunday na nga lang ang day-off ko, hindi pa ako makaalis ng bahay kasi tulog ako. Sigh...

7. Napapabayaan ko na rin ang aking practicum training. Napapadalas na nga ang aking pagabsent kasi pagod na ako sobra. Feeling ko kailangan ko talaga ng pahinga kung hindi mamamatay ako ng wala sa panahon. Alam ko namang ayaw nyo nun diba? Bwahekhek...

8. Napabayaan ko ang pamilya ko. Hindi na ako nakikipagkwentuhan sa kanila kasi gabi na ako umuuwi, tulog na sila. Minsan lang din kami magkasabay kumain ngayon kasi hindi nila ako inaantay. Mga panget! Hehehe..

9. Napabayaan ko ang pasko at bagong taon sa bahay. Ako kasi ang nagluluto ng Noche Buena at Medya Noche namin. Ngayon, hindi ko ito nagawa, kaya it turned out na normal na menudo at spaghetti ang Noche Buena. Sigh..

10. Napabayaan ko ang sarili ko. Hindi na ako active sa aking beautification project na pinapangako kong itutuloy ko. Napapabayaan ko na rin ang sarili ko. Pagod na kasi ako pero pinipilit ko pa rin na kumilos. Mahirap magtrabaho sa hotel. As in.

Sana hindi na madagdagan....

Nakakalungkot kasi.

Sunday, December 25, 2005

Pasko

December 24, 2005

Masaya ako, kasama ang friend ko na natulog sa bahay, pumasok ako ng maaga kahit 24 na para naman makauwi ako ng maaga. Alas nueve pa lang, nasa Pen na ako, excited, at masayang masaya na kahit na sinong makasalubong ko sa loob ng Pen, kahit di ko naman kakilala at binabati ko ng Merry Christmas. Wala lang, bait-baitan at friendly-friendlyhan na mode.

Nung bandang hapon, naalala ko, may something pala sa lobby ng Pen, dinner buffet sya na sosyal na para lamang sa mga alta sosyodad. Nag ready na kami, gawa ng sushi, sashimi, maki, noodles, at marami pang iba. Pati pagdedesign ng wasabi ay kinarir ko para naman maramdaman ng mga guest na astig yung Japanese kitchen. Bwehekhek...

Dalawa lang ang kasama ko sa Kitchen kasi yung isa ay nasa Nielsen's. Yung isa, ay yun Sous Chef sa Kitchen na yun at yung isa naman ay isang casual employee na casual pa rin after two years ng pagtatrabaho sa Pen. (*Paging Human Resources...). Trabaho, trabaho, trabaho, excited na pumatak ang orasan sa 6 para makapaghanda na at umuwi kasi nagpromise ako sa nanay ko na sasama ako magsimba ng 8.

Pumatak ang 6, nagpaalam ako umuwi, pero di pa tapos ang ginagawa kong paggawa ng Ebi Sushi (Read: isang baby prawn na binlanch at binutterfly fillet at saka nilagyan ng wasabi at sushi rice). Sabi ko sa sarili ko, okay, pagtapos na lang ng ginagawa ko at saka ako magpapaalam.

Lumipas ang isang oras, pagtapos ko sa Ebi Sushi, nagdagsaan naman ang orders mula sa lobby. Hindi ko inaasahan na ang aming hinanda ay magiging patok sa mga guests. Ganun na ba kasarap ang mga kamay namin at talagang pinilahhan ang mga nilamutak naming pagkain? Wahehehe.... Hindi ako nakauwi as usual kasi mababawasan ng tao sa kitchen.

Napansin ng mga kasama ko, hindi na ako masaya, hindi na ako kumakanta at medyo seryoso na ako sa ginagawa ko. Tinanong ako ng Sous Chef namin, sabi ko, wala, kinakarir ko lang tong ginagawa ko para mas mabilis para mabigay lahat ng orders sa lalong madaling panahon. Grabe talaga ako nun. Kahit mga juices (Na dapat ay ginagawa ng mga tao sa katabi naming Kitchen: Juice Bar) ay ginagawa ko na rin. Pati ang pagbalik balik sa Butchery para kumuha ng Salmon at Tuna.

Napressure ako aaminin ko. Nahati ang katawan ko, isama pa ang kagustuhan kong umuwi at ang feeling na baka mag Noche Buena ako sa kalsada. Bahala na. Pero, mangiyak-ngiyak na talga ako noon.

Nine na ng gabi nang magsalita ang Sous Chef pagkatapos nyang icheck ang lobby, in control na daw ang orders. Back to normal. Okay na daw, sa madaling salita, pwede na kaming magbagal ng konti at huminga gamit ang aming baga. Natawa ako, nakita ko kasi ang kusina, parang binagyo, to think na ayaw namin sa Japanese Kitchen ang maduming kusina. Bwehekhek.

Naglinis kami, at pagkatapos, nahiya sa akin ang kasama kong Casual. Nakita siguro nya sa mga mata ko na gustong gusto ko nang umuwi. Sya na ang nagsabi sa Sous Chef na pauwiin na ako. Sabagay, overtime na ako ng 4 hours. Umalis na ako ng kusina dala ang abot-abot na pasasasalamat ng aking Sous Chef sa akin, sa aking tulong. Natuwa naman ako, at least, naramdaman kong part ako ng team na yun. Na nakatulong ako sa kanila.

Niyaya akong magyosi ng Casual na yun, Inalok nya ako ng Marlboro na red. Sabi ko, di ako nagyoyosi ng Reds. At talagang nakita ko ang effort nya na manghingi sa mga kakilala nya ng Lights. WAheheh.. Siguro nahiya sya sa akin. Pagtapos nun, Nagbihis na ako para umuwi. Pumirma ako sa logbook ng trainees. Nalungkot ako nang malaman na ako pala ang huling lumabas sa mga trainee. Nakakalunkot kasi maaga akong pumasok. Waaaah.. Pero okay lang.

Sakay ako ng bus, tapos ng jeep. Nakatulog ako sa jeep, nagising lang ako nang may sumabog sa paligid ko. Akala ko, paputok, gulong pala. Ayun, lalo na akong nalungkot kasi baka di ako makaabot ng Noche buena. Quarter to 11 na, nasa kalsada pa rin ako, nagbibilang ng mga Christmas lights habang nakikinig sa kanta ni Say at Sam. Hahaha...

1130 nakauwi ako, nakakatuwa naman at nakaabot ako. Kahit simple lang naman ang Noche Buena namin, as in sobrang simple na sa baba kami nag Noche Buena, okay na rin,at least, nakahabol ako. Pagtapos nun, uminom ako mag isa, isang Red Horse grande lang naman, at saka nakatulog. Nakakapagod talaga...

*Burp, ngayon, busog ako! yey!

December 25, 2005

Walang ginawa kundi matulog, at kumain. Nakakainis kasi may pasok na naman bukas. Syet! T_T . Sana January 11 na! yey!!!

Monday, December 19, 2005

Nakakatamad na Araw

Waaaaaah!!! Sobrang tinatamad ako ngayon, gusto ko lang na humiga sa kama, magpahinga at ngumiti gamit ang aking mga labing mapupula at complete set of teeth.

Di ako pumasok, tamad ako, pero masaya ako at ayokong mawala ang pagiging masaya ko kaya di muna ako papasok. Targeting two birds sabi nga nila. Since tinatamad ako, di na ako papasok. At since gusto ko di mawala ang saya, di na rin ako papasok kasi pag nakita ko yung boss ko maiinis lang ako e. aheheh...

Masaya ako ngayon, di ko lam kung bakit pero natatakot din ako. Taena! In lab? bwahahaah!!! Di ko alam, naramdaman ko lang. Syet, sharing to. Bwahahaha!!!

Mamaya kukunin ko lisensya ko sa LTO Taytay. Sana naman nandun na yun, kalahating taon na yun nakalagak dun. Bwahekhek... Bili din yosi at higit sa lahat, manonood ng Madeline. hahah!

Tuesday, December 13, 2005

Bad Trip

Nakakainis talaga yung mentor ko sa Japanese Kitchen. Galing galingan sya. Kunwari ang daming alam. E kung tawagin naman sya ng mga kasama nya sa trabaho, pulpol! Lahat ng bagay may sarili syang style.

At yun ang dapat ko daw matutunan sa kanya.

Ang kanyang style.

Ang kanyang style na pulpol!

Bwiset! Napapagalitan ako dahil sa kanya. Mabilis naman ako pumick-up, pero pag sya talaga nagpapaliwanag parang umiiwas brain cells ko sa kanya. Isang beses, pinakuha nya ako ng kawali. Ako naman, abot ng kawali. Tapos nung tinignyan nya ako, para akong tinatawag nyang "tanga".

Sabi nya, "kasya ba yung isang litrong suka dyan? Yung ganito kunin mo! Mas malaki ng onti."

At ginawa ko naman, pagbigay ko sa kanya. Sinabi ko

"E chef di naman kawali yan e! Kaldero!"

Ang catch dun, ayaw nyang tanggapin ang pagkakamali nya, iniisip nya, sya pa rin ang magaling. Sabi nya sa akin, Pareho lang daw yun! Taena! Simula bata ako tinuro sa akin na magkaiba ang kawali at kaldero! Naku naman! Nag iinit talaga ulo ko sa kanya. Pasalamat sya mahaba haba ang pasensya ko.

Dahil kung hinde... GAGAWIN KO SYANG SUSHI!!!

Tinatamad

Pinagpapasa ako ng resume ng HR. Tinatamad akong gawin kasi wala lang!

Sobrang nakakapagod ang panahong ito. Ang lamig pa! Kung sana, natutulog na lang ako ngayon. Di ko na kailangang bumangon at pumunta ng makati at magpagod for 8 hours a day, 6 days a week nang wala man lang kinikitang kabuhayan. Ano ba naman yun? Mas nakakapagod pala ang ganun. Sana man lang may pampaganang allowance ang pen sa aming mga trainee. E napapagod din naman kami sa trabaho, minsan pa nga mas marami pa ang nagagawa namin kesa sa mga empleyado nila.

Anyway, gusto ko na ring simulan ang practicum report ko, kaso tinatamad din ako. Kung di lang ako tinatamad, siguro ay tapos ko na lahat ng yan non pa.

E bakit naman kasi sobrang nakakapagod ang trabaho. Para tuloy gusto ko na ring tamarin.
Umaga pa pala ngayon. Ang lamig kasi umuulan. Sarap matulog at umabsent sa trabaho.

Tinatamad ako!

Sunday, December 11, 2005

So eto na to!

Nag iba ako ng template ng blog ko para maiba naman. Feeling ko mas maganda to. Di masyadong maarte pero may dating! Yebah!

Tama ba ako?

Tagal na din ko di nakakapagpost dito sa blog ko. Mga isang buwan din. Masyado kasing busy sa practicum. You work 6 days a week, tapos 8 hours na minsan at kelangan mo pang mag overtime. Tapos uwian pa ako. Pano ba naman ang gagawin ko nyan?

Nasa kalahati na ako ng aking practicum sa Peninsula. Enjoy na man. Kaso uulitin ko lang. Kakapagod...

Unang department ko ay Front Office. Masaya naman dito. Laging overtime kasi kelangang mag bucket check. Pero kahit na ganun, ayus lang kasi marami namang tip! Hehe...
Kasama ko ay mga taga College of Saint Benilde na ayoko nang mag comment. (Brrr!)

Nasa Japanese Kitchen ako ngayon. Masaya ang mga tao sa kitchen kaso mas masaya ako nung nasa Front Office ako. Nag apply na nga pala ako for work bilang receptionist. Kelangan ko pang mag pasa ng resume ko. Taena di ko mahanap yung copy ng resume ko na sinubmit sa pen. Ayoko nang gumawa ng bago. Pag natanggap ako dito, mag tatrabaho na ako. Pag hindi naman, hahayaan ko munang aliwin ang sarili ko at maglaro ng ragnarok hanggang sa makagraduate ako ng tuluyan. Pahinga muna kung baga. Pero mas masaya ata kung matatanggap ako. *fingers crossed

Anyway, sana matapos na ako sa practicum. Nakakapagod palang magtrabaho sa isang kompanya, lalo na kung wala kang sweldo.

P.S. Miss ko na mga tropa ko sa UP. Miss ko na rin ang Rep. hayyyy...

Monday, December 05, 2005

Sa wakas

sa wakas... may pc na ako! wuhuuu...

kaso antok na ako mag kwento. saka na lang! hehehe... mabuhay ang bagong ligo!

*peace man!

Tuesday, October 11, 2005

Pompompom

Isnt it nice to look at my newly renovated blog? Bwahehehe!

Katabi ko si Princess! Ngayon na!

Masaya ako ngayon at natanggap ako ngayon sa Pen. I will be having my orientation this Tuesday. Exciting! =p

Tapos na din ang sem ko! Yey!

Ang ganda ng katabi ko. Bwahahaha! Lul!

(Making kamot my arm kasi nangangateeeeh! Punyeta!)

Disclaimer: This is not my post. Nyeta! Inimpluwensyahan ako ni Princess!

Monday, October 10, 2005

Rabbits

May bago nga pala akong rabbits c/o my everdearest thesis partner slash landlady na si Jac. Sa susunod ipapakita ko pics nya. *wink wink*

Name nila:

Bugoy (M) - isang brown na mala stuff toy na rabbit na makulit at mahilig mag lick ng fingers ko.
Ash (F) - isang malambing na rabbit na kulay abo na mahilig tumakbo at makipaghabulan.

Love'em! *Mwah!*

Peninsula Thingie

Haloo haloo haloo!!!

So eto na ng ang big event. Naganap ang interview ko kanina sa manila peninsula (take note: manila peninsula ito) at eto ang nangyari...

Umaga...

Umalis ako ng bahay. Yun lang!

Tanghali...

Pumunta ako kina Jac. Yun lang ulit!

Tanghali ng medyo 30 minutes after ng tanghali kanina...

Kain kami sa Kenny Rogers

Then punta ng CHE to see na "OMG!!!" Exempted ka ba sa 138? Azzz in?

Then punta na sa Ilang for the main event ng araw na ito. Ang interview sa Manila Peninsula. Ouch. With all the pink longsleeves, medyo bitin na black na pantalon at pink pinkhan na necktie, deretso ako kasama ang naka black striped na three-piece suit na si Xenia at ang naka gray inspired three piece suit naman na si Maricar. With all the guts in the world, pumasok kami sa manila peninsula at nakakita kami ng little drummer boys na mukhang practicumer dahil kung nde, nakakahiya naman dahil mukha pa akong matanda sa kanila. Syet. (pawis...)

CR muna, tapos punta na sa Front desk para magtanong. Sabi ng FO na kamukha ni Nino Mulach na papayatin mo lang ng kaunti, sa service entrance daw iyon. Okay.. okay...

This is it!!! nakasama namin si Mark ng NCBA Fairview sa interview. Tawa naman kami ng tawa habang nag-aantay na bitayin. Dun ang interview sa isang room na may nakasulat na "Restricted Area" Ampotah! Kaya ba restricted yun kasi di pwedeng malaman ng mga tao na pinapatay na pala ang mga iniinterview dun?

So moving on, okay naman ang interview. Di ako masyadong kinabahan. Sa totoo lang, isa ito sa pinaka best ko na interview. Siguro dahil na rin sa adrenaline rush. Naglabasan ang mga english word sa bibig ko ng walang stutter, walang "uhmmm" at walang worng grammar. Fluent ka bA? Yikes! I didnt expect that kind of event.

Honestly, feeling ko nung una, pasado na ako. Okay kasi interview ko. Confident, masaya, cool. Pero ang masaklap lang

"Honestly, i still have to talk with the training manager regarding your PE class"

Fotah! gumuho ata ang mundo ko. Best na yun e! yun na lang magagawa ko. Pero bakit may aberya pa rin? Nagbago tuloy tingin ko sa event na yun. Feeling ko di ako papasa dahil dun sa PE ko.

Anyway, i still have to wait until friday to know if i passed the interview or not. Next week, the practicumers will be having their orientation. And if ever i will not be accepted, i'll just find my luck in other hotel. Hotel Intercon perhaps. I still dunno. *Sigh*

Sana lang tawagan ako this week. *Fingers crossed*

Image hosted by Photobucket.com

Sunday, October 09, 2005

Paksyet

ang ayoko sa lahat, yung babay.

binasa ko ang blog ni ate arms at ni jac. nakakatuwang isipin na pati sila ay adik na rin sa blog. kaya naman tutuksuhin ko muna sila. MGA ADEEEEEEKKKK!!!!

ehem... (suklay ng buhok at tayo ng diretso) ayun. so moving on...

paksyet naman. di ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na naging HRIM ako, na ginawa kong groupmates tong mga taong to, na binuhos ko lahat para maging malapit sa kanila. pero taena, nung umalis ako kina jac, dun ko lalo nalaman na eto na ito. kung baga sa mario brothers, game over na. nakuha na ni mario ang princess na ultimate goal. at ang ending, tumataas na pangalan na gumawa ng game na iyon, next thing you know, papatayin na ang TV dahil di mo namalayan ang oras. ang tagal mo na palang naglalaro. naadik ka na sa mario. at ngayong natapos mo na ito, di mo na alam ang susunod. lalaruin mo pa kaya ito ulit? o titigil ka na? o kukuha ka naman ng kasunod na bala ng computer. mario2 kaya? o kaya super mario world.

Kakabasa ko lang kasi ng blog ni jac at ni ate arms. di ko maiwasang magpakachummy. ang ultimate goal ko lang naman ngayong gabi ay magbasa basa tungkol sa manila pen. di ko alam kung bakit ba napunta ako sa mga blogs nila. aaminin ko na. mahal ko na tong mga taong to. pati na rin yung ibang mga tao. na di maitatangging nabigyan ko ng panahon. ispecial mention ko na rin si EJ. pucha. tinuring ko syang kapatid. isipin mo na lang kung ano ang nararamdaman ng isang kuya na mawawalay sa nakababatang kapatid nito.

nakakalungkot. aalis na pala si jac. eto ang sinasabi ko kay yakie noon pa man. may mga bagay na di talaga mapipigilan. at eto na yon. sinabi ko na naman kasi, ayokong makiclose. ayoko na lahat. ayokong mahook sa isang bagay na alam ko naman na sa huli, masasaktan di ako. kasi iiwan nila ako. kasi sa bandang huli, tulad ng nasabi ko kanina, di ko pala kasama si mario.

sino na ang magiging kaibigan ko? kanino ako hihingi ng tulong pag nangailangan ako ng maiiyakan? di naman ako kakausapin ng rabbit na ibinigay sa akin ni jac (salamat nga pala ng marami sa mala stuff toy na rabbit). mag isa na ulit ako. tahimik na ulit ako. titigil na ang bibig ko sa kakaimbento ng kung ano anong salita. mamimiss ko kayo. alam nyo na kung sino sino kayo. di ko na iisa isahin.

gusto kong mag express ng sama ng loob ko sa pagkakataon. SHIT KA!!!

leche ka pagkakataon! ikaw ang may kasalanan kung bakit ako malungkot ngayon. pinapaasa mo ako sa mga bagay, na sa bandang huli ay kukunin mo din sa akin. akala ko kasi eto na iyon. akala ko di na matatapos. *sniff!*

sana di na umalis ang mga tao sa paligid ko. masaya na kasi ako. eto yung part, na mamamatay ka ng alam mong may dadalaw sa burol mo. na alam mong may iiyak ng malupit. at alam mong may nagmamahal sayo. kahit bilang isang kapatid.

mahal ko kayong lahat. itatak nyo yan sa isipan nyo!