Sunday, October 09, 2005

Paksyet

ang ayoko sa lahat, yung babay.

binasa ko ang blog ni ate arms at ni jac. nakakatuwang isipin na pati sila ay adik na rin sa blog. kaya naman tutuksuhin ko muna sila. MGA ADEEEEEEKKKK!!!!

ehem... (suklay ng buhok at tayo ng diretso) ayun. so moving on...

paksyet naman. di ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na naging HRIM ako, na ginawa kong groupmates tong mga taong to, na binuhos ko lahat para maging malapit sa kanila. pero taena, nung umalis ako kina jac, dun ko lalo nalaman na eto na ito. kung baga sa mario brothers, game over na. nakuha na ni mario ang princess na ultimate goal. at ang ending, tumataas na pangalan na gumawa ng game na iyon, next thing you know, papatayin na ang TV dahil di mo namalayan ang oras. ang tagal mo na palang naglalaro. naadik ka na sa mario. at ngayong natapos mo na ito, di mo na alam ang susunod. lalaruin mo pa kaya ito ulit? o titigil ka na? o kukuha ka naman ng kasunod na bala ng computer. mario2 kaya? o kaya super mario world.

Kakabasa ko lang kasi ng blog ni jac at ni ate arms. di ko maiwasang magpakachummy. ang ultimate goal ko lang naman ngayong gabi ay magbasa basa tungkol sa manila pen. di ko alam kung bakit ba napunta ako sa mga blogs nila. aaminin ko na. mahal ko na tong mga taong to. pati na rin yung ibang mga tao. na di maitatangging nabigyan ko ng panahon. ispecial mention ko na rin si EJ. pucha. tinuring ko syang kapatid. isipin mo na lang kung ano ang nararamdaman ng isang kuya na mawawalay sa nakababatang kapatid nito.

nakakalungkot. aalis na pala si jac. eto ang sinasabi ko kay yakie noon pa man. may mga bagay na di talaga mapipigilan. at eto na yon. sinabi ko na naman kasi, ayokong makiclose. ayoko na lahat. ayokong mahook sa isang bagay na alam ko naman na sa huli, masasaktan di ako. kasi iiwan nila ako. kasi sa bandang huli, tulad ng nasabi ko kanina, di ko pala kasama si mario.

sino na ang magiging kaibigan ko? kanino ako hihingi ng tulong pag nangailangan ako ng maiiyakan? di naman ako kakausapin ng rabbit na ibinigay sa akin ni jac (salamat nga pala ng marami sa mala stuff toy na rabbit). mag isa na ulit ako. tahimik na ulit ako. titigil na ang bibig ko sa kakaimbento ng kung ano anong salita. mamimiss ko kayo. alam nyo na kung sino sino kayo. di ko na iisa isahin.

gusto kong mag express ng sama ng loob ko sa pagkakataon. SHIT KA!!!

leche ka pagkakataon! ikaw ang may kasalanan kung bakit ako malungkot ngayon. pinapaasa mo ako sa mga bagay, na sa bandang huli ay kukunin mo din sa akin. akala ko kasi eto na iyon. akala ko di na matatapos. *sniff!*

sana di na umalis ang mga tao sa paligid ko. masaya na kasi ako. eto yung part, na mamamatay ka ng alam mong may dadalaw sa burol mo. na alam mong may iiyak ng malupit. at alam mong may nagmamahal sayo. kahit bilang isang kapatid.

mahal ko kayong lahat. itatak nyo yan sa isipan nyo!

No comments: