December 24, 2005
Masaya ako, kasama ang friend ko na natulog sa bahay, pumasok ako ng maaga kahit 24 na para naman makauwi ako ng maaga. Alas nueve pa lang, nasa Pen na ako, excited, at masayang masaya na kahit na sinong makasalubong ko sa loob ng Pen, kahit di ko naman kakilala at binabati ko ng Merry Christmas. Wala lang, bait-baitan at friendly-friendlyhan na mode.
Nung bandang hapon, naalala ko, may something pala sa lobby ng Pen, dinner buffet sya na sosyal na para lamang sa mga alta sosyodad. Nag ready na kami, gawa ng sushi, sashimi, maki, noodles, at marami pang iba. Pati pagdedesign ng wasabi ay kinarir ko para naman maramdaman ng mga guest na astig yung Japanese kitchen. Bwehekhek...
Dalawa lang ang kasama ko sa Kitchen kasi yung isa ay nasa Nielsen's. Yung isa, ay yun Sous Chef sa Kitchen na yun at yung isa naman ay isang casual employee na casual pa rin after two years ng pagtatrabaho sa Pen. (*Paging Human Resources...). Trabaho, trabaho, trabaho, excited na pumatak ang orasan sa 6 para makapaghanda na at umuwi kasi nagpromise ako sa nanay ko na sasama ako magsimba ng 8.
Pumatak ang 6, nagpaalam ako umuwi, pero di pa tapos ang ginagawa kong paggawa ng Ebi Sushi (Read: isang baby prawn na binlanch at binutterfly fillet at saka nilagyan ng wasabi at sushi rice). Sabi ko sa sarili ko, okay, pagtapos na lang ng ginagawa ko at saka ako magpapaalam.
Lumipas ang isang oras, pagtapos ko sa Ebi Sushi, nagdagsaan naman ang orders mula sa lobby. Hindi ko inaasahan na ang aming hinanda ay magiging patok sa mga guests. Ganun na ba kasarap ang mga kamay namin at talagang pinilahhan ang mga nilamutak naming pagkain? Wahehehe.... Hindi ako nakauwi as usual kasi mababawasan ng tao sa kitchen.
Napansin ng mga kasama ko, hindi na ako masaya, hindi na ako kumakanta at medyo seryoso na ako sa ginagawa ko. Tinanong ako ng Sous Chef namin, sabi ko, wala, kinakarir ko lang tong ginagawa ko para mas mabilis para mabigay lahat ng orders sa lalong madaling panahon. Grabe talaga ako nun. Kahit mga juices (Na dapat ay ginagawa ng mga tao sa katabi naming Kitchen: Juice Bar) ay ginagawa ko na rin. Pati ang pagbalik balik sa Butchery para kumuha ng Salmon at Tuna.
Napressure ako aaminin ko. Nahati ang katawan ko, isama pa ang kagustuhan kong umuwi at ang feeling na baka mag Noche Buena ako sa kalsada. Bahala na. Pero, mangiyak-ngiyak na talga ako noon.
Nine na ng gabi nang magsalita ang Sous Chef pagkatapos nyang icheck ang lobby, in control na daw ang orders. Back to normal. Okay na daw, sa madaling salita, pwede na kaming magbagal ng konti at huminga gamit ang aming baga. Natawa ako, nakita ko kasi ang kusina, parang binagyo, to think na ayaw namin sa Japanese Kitchen ang maduming kusina. Bwehekhek.
Naglinis kami, at pagkatapos, nahiya sa akin ang kasama kong Casual. Nakita siguro nya sa mga mata ko na gustong gusto ko nang umuwi. Sya na ang nagsabi sa Sous Chef na pauwiin na ako. Sabagay, overtime na ako ng 4 hours. Umalis na ako ng kusina dala ang abot-abot na pasasasalamat ng aking Sous Chef sa akin, sa aking tulong. Natuwa naman ako, at least, naramdaman kong part ako ng team na yun. Na nakatulong ako sa kanila.
Niyaya akong magyosi ng Casual na yun, Inalok nya ako ng Marlboro na red. Sabi ko, di ako nagyoyosi ng Reds. At talagang nakita ko ang effort nya na manghingi sa mga kakilala nya ng Lights. WAheheh.. Siguro nahiya sya sa akin. Pagtapos nun, Nagbihis na ako para umuwi. Pumirma ako sa logbook ng trainees. Nalungkot ako nang malaman na ako pala ang huling lumabas sa mga trainee. Nakakalunkot kasi maaga akong pumasok. Waaaah.. Pero okay lang.
Sakay ako ng bus, tapos ng jeep. Nakatulog ako sa jeep, nagising lang ako nang may sumabog sa paligid ko. Akala ko, paputok, gulong pala. Ayun, lalo na akong nalungkot kasi baka di ako makaabot ng Noche buena. Quarter to 11 na, nasa kalsada pa rin ako, nagbibilang ng mga Christmas lights habang nakikinig sa kanta ni Say at Sam. Hahaha...
1130 nakauwi ako, nakakatuwa naman at nakaabot ako. Kahit simple lang naman ang Noche Buena namin, as in sobrang simple na sa baba kami nag Noche Buena, okay na rin,at least, nakahabol ako. Pagtapos nun, uminom ako mag isa, isang Red Horse grande lang naman, at saka nakatulog. Nakakapagod talaga...
*Burp, ngayon, busog ako! yey!
December 25, 2005
Walang ginawa kundi matulog, at kumain. Nakakainis kasi may pasok na naman bukas. Syet! T_T . Sana January 11 na! yey!!!
Sunday, December 25, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment