Sulit ang pagod
Sulit ang ambagan
Sulit lahat
May napatunayan ako, bilang tao.
Ang malungkot lang na part, magkakahiwa-hiwalay na rin kami ng groupmates ko. =(
Kaya para kina ate armine, jac, yakie, paps, xenia, jay, jason at mau..
Maraming salamat sa isang masayang semestre =)
Gusto ko ring ialay ang medals namin sa buong class. Maganda ang laban. Lahat nagbuhos ng pawis para sa exhibit at aminin nyo, kinabahan kami.
Anyway, fotah! naiyak ako nung inaward na sa amin ang gold medal. syet. di naman talaga yun dahil nanalo kami. kung di kasabay ng pagsasabi ng nanalo, ay kasabay na rin ng pagtapos ng klase na iyon. at kasabay ng pagtapos ng klase na iyon, ay ang pagkakahiwalay naming kung maituturing ay tunay na magkakaibigan.
Tinawanan kami ng buong batch. Ngayon lang ata nila ako nakita umiyak. Naisip ko, siguro naiisip nila na kaya kami umiiyak ay dahil nanalo kami ng gold. di nila alam, iyon ay dahil sa pagkakaibigang maaring matapos. Kinuha ko ang mic at nagsalita, sa di sinasadyang pagkakataon, nakita ata nila ang sinseridad ng sinabi ko.
"Practicum na... Last na to e!" (with teary eyes)
Ang pinakamasayang part, ang group hug... okay lang makita nila ako sa aking "state of vunerability", basta ang mahalaga, napaalam ko sa kanila kung gano sila kahalaga.
Para sa mga groupmates ko at sa mga naging bahagi ng buhay HRIM ko, salamat.
Hanggang sa muli nating pagkikita.

Dairy Dose
2005 Facilities, Planning and Design Exhibit Champion
3 comments:
takte, lekat ka, na-touched na naman ako! hahaha! Sabi ko pa naman, ayoko nang nagiging-attached EVER. pero impossible yun sa group na 'to. For that, for that, officially kong ina-announce na college 'kada ko na 'to maituturing. hahaha! *oo, by force* Kaya sa mga darating na boring days and gimik days, never ako kalimutan!
waaah!!! wag kang ganyan at aatungal ule ako... grabeh. sabi nang kayo ang nakakatakot eh. hahaha. congrats sa dairy dose! session ulit... hindi un mawawala kahit na tapos na ang feasib, o ang buong college chu for that matter.Ü
huhuhu...kakaiyak naman rhy. don't wori magkakasama sama pa tayo, may manila penn pa tayo remember? hehe
Post a Comment