Sunday, September 18, 2005

UP fight?

So nangyari na nga ang kinapapanabikang cheering competition at ito ang mga naiisip ko nung nanonood ako ng very unpredictable event na ito.

1. Ang ganda ganda ng ginawa ng Ateneo. I was hoping na sila yung mag fifirst... (kamot ulo)
2. Ganda naman pala ng ginawa ng UP pep. Astig yung nestle nila. may mga batya sila sa ulo na nilagyan ng ice cream. at showgirl ang mode nila. waaaaah!!! (clap clap clap)
3. May lamang ice cream yung nestle ng UP!!! waaaaaaah!!! Naisip ko tuloy na pwede pala tayong magpakain ng nestle sa buong araneta. isama na natin ang mga guards.
4. Kasalukuyan akong nanood ng concert ni Gary V. Nadidistract ako.
5. Nainis ako dun sa "U.P. Kami. Kayo?" banner dun sa audience. Ang yayabang ng mga taga UP.
6. Pulido ang pagsasayaw ng FEU. astig!
7. Ang ganda ng nestle ng UST with the Flamenco dancers and all that jazz.
8. Akala ko fourth ang UP. =)
9. Bad trip yung pep kasi di sila masaya sa napanalunan nila.
10. Bumababa ang quality ng competition na ito.
11. Bakit di nalang ibigay ng Nestle yung perang pinambili nila sa event sa kanilang manggawa? (kamot ulo)

Anyway, pagbaligtarin man ang mundo, UP pa rin naman ako kampi. Dito ako namulat e. So much for that. Basta tandaan mo blog na ginawa ko yung best ko sa pagsulat sayo. ; )

Ang dami ko pa pala dapat gawin. Fotah!

No comments: