Tuesday, September 13, 2005

Big Brother's House

nanood ako ng pinoy big brother.

wala lang. share ko lang. nakakalungkot nga naman ang buhay no? ang pangit kasi nung thought na magkakaroon ka ng mga kaibigan, tapos, matatapos. nakakalungkot yung magiging close kayo, tapos, saglit na panahon lang, mawawala. sigh...

namimis ko tuloy yung mga kaibigan ko na wala na ngayon. di ko alam kung bakit di na kami nagkakausap, gayung superclose naman kami. di ko alam kung bakit sa kabila ng kapangyarihan ng text messaging at phone, di pa rin namin magawang mapanatili ang komunikasyon. siguro nga ay di sapat ang mga ito para mapanatili ang pagkakaibigan. siguro ay nakahanap sila ng buhay na mas makakapagpasaya sa kanila. samantalang ako, nandito, naghihintay sa muli nilang pagbabalik.

minsan, ayoko nang maniwala sa walang hanggang pagkakaibigan. patuloy lang itong magpapaasa sayo na muling mabubuhay ang mga panahong pinagsamahan. pero magugunaw na ang mundo, at saka mo lang malalaman, na wala ka naman palang dapat asahan...

No comments: