Di ko talaga balak magpunta ng mall... Pero di ako natuloy sa lakad ko.
Kaya dinala ako ng aking mga paa sa mall.
Wala akong balak kumain, pero kinukulit ako ng tiyan ko. Gusto daw nyang gamitin ang kanyang sarili. Pinagbigyan ko na. Minsan lang naman. Para hindi puro na lang pagkaing karinderya ang binabanatan nya.
Umorder. Binigyan ng number. Umupo.
Nagtanggal ako ng retainers.
Nakatunganga ako. Matagal akong nag antay.
Nang isang saglit, nakita ko siya. Natulala ako. Parang may bumagsak na anghel sa harap ko. Parang bigla akong mapunta sa lugar na puro bulaklak. Parang maraming damo sa paligid ko. Kulay berde lahat. Parang ang daming bituin sa langit. Parang lumilipad ako.
Nakatingin sya sa kasama nya dahil ililibre ata. Ngumiti sya.
Lalong lumalim ang isip ko. Lalong dumami ang mga bulaklak, ang mga bituin. Ang ngiti nya ay parang ngiti ng anghel.
Matagal din akong nakatitig sa kanya. Hindi ko nga namalayan na dumating na pala ang pagkain ko. Hanggang sa makuha ko ang kanyang atensyon. Pero tinignan nya lang ako. Isang segundo ata. Pero okay na yun. Sobrang nabuo ang araw ko. Napangiti nya ako. Gusto ko syang makilala pero marami syang kasama. Gusto kong kunin ang number nya pero di ko alam kung papaano. Alam ko pagsisisihan ko ito. Pero umalis ako ng kainan ng walang ginagawa. Tinitignan lang sya. Nakangiti.
Doon ko nalaman, mahilig talaga ako sa matanda.
Sana makilala ko sya.
Wednesday, April 13, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hahahahahah
nagkakacrush ka pa pala ungas ka?
hahahah
iutot mo lang yan! kasingganda ko ba yun???
ay wala na palang gaganda pa sa akin!
nyahaha
lalaki ba itrez?
Post a Comment