Tuesday, April 05, 2005

Paglisan

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig

(pasintabi sa Color It Red na sa akin pagkakaalam at syang umawit nito)

Nalulungkot ako.
Di ko alam, bigla akong nalungkot.
Kulang isang buwan na lang kasi, ay hindi na kami magiging kupletong magkakapatid. Senyales na tumatanda na nga kami. Sa katapusan ng buwan na ito, lilipad na patungong Amerika ang aking kapatid na babae. Yung mas matanda. Mangyari kasi, napagkasunduan nilang mag-asawa na dun na lang lumagi. Ayos na ang papeles nila. Certified na immigrant na ang kapatid ko, ang pamangkin ko naman, isa nang ganap na US Citizen. Nakakatawang isipin na naunahan pa nya ako na makakuha kahit passport man lang.

Di ko pinapakita sa kanila na nalulungkot ako. Di naman kasi kami Chummy na magkakapatid. Hindi namin pinaparamdam na mahal namin ang isat isa. Basta ang alam namin, mahal namin ang isat isa. Ang totoo, sobra sobra ang lungkot na nararamdaman ko. Mahal ko kasi ang pamilya ko. Ayokong magkahiwahiwalay kami. Nakakalungkot. Pero wala akong magagawa. Matatanda na kami. Kelangan ko itong harapin, dahil sadyang darating sa punto na ikaw na lang talaga ang maiiwan sa sarili mong mundo. Dahil may kani kanya kaming buhay. Kanya kanya na ang pagsagupa namin sa mga alon ng dagat.

Pero kahit anong mangyari, alam kong hindi kami magkakalimutan. Mananatili kaming magkakapatid. Hanggang kamatayan. Kaya para sa kapatid ko...

INGAT.

MAHAL KITA.

No comments: