Naku, ang tagal ko na palang di bumibisita dito sa blog ko. Pasensya ka na blog at medyo busy ang daddy a. Hayaan mo, pag nagkaroon ng time, magpopost ako ng maganda sayo. ahehe...
So kamusta ang Pilipinas? Kamusat ang mundo?
Que tal?
Muy Bien. Gracias!
Y Tu?
Muy Bien tambien.
Es Mierda el espanol dies. El deficil.
No intiendo. Puede repetir por pabor?
Saturday, April 30, 2005
Monday, April 18, 2005
Baby
Minsan, ay hindi pala. Madalas pala.
Pag nasa mall ako, madalas akong tumingin sa babies section.
Gustong gusto ko ang tignan ang mga walkers, ang mga lalagyan ng mga baby na natutulog. Ang mga damit din at mga feeding bottles. Haaay...
Sa Linggo, aalis na ang pamangkin ko. Para pumunta sa States. Yun lang, States lang, parang Cubao ganun.
Magmimigrate na sila dun.
Ang sad, wala nang baby dito sa bahay. Ano ba naman ito!
Baby!!! kaya naisip ko, gumawa na kaya ako ng baby? Sana malapit na. Gusto ko nang magkababy.

Yosi
Wala na. Kabado. Patay.
Sa ngayon, i am again, in a state na sobrang happily in love. Yes, you heard me right.
In love na naman ata ako. Paksyet. Di ko alam.
Sana hindi matuloy. Sana kung matuloy man, Maging masaya ako.
Mahirap masaktan.
Kelangan ko ng maraming...
YOSI!

Wednesday, April 13, 2005
Stunned
Di ko talaga balak magpunta ng mall... Pero di ako natuloy sa lakad ko.
Kaya dinala ako ng aking mga paa sa mall.
Wala akong balak kumain, pero kinukulit ako ng tiyan ko. Gusto daw nyang gamitin ang kanyang sarili. Pinagbigyan ko na. Minsan lang naman. Para hindi puro na lang pagkaing karinderya ang binabanatan nya.
Umorder. Binigyan ng number. Umupo.
Nagtanggal ako ng retainers.
Nakatunganga ako. Matagal akong nag antay.
Nang isang saglit, nakita ko siya. Natulala ako. Parang may bumagsak na anghel sa harap ko. Parang bigla akong mapunta sa lugar na puro bulaklak. Parang maraming damo sa paligid ko. Kulay berde lahat. Parang ang daming bituin sa langit. Parang lumilipad ako.
Nakatingin sya sa kasama nya dahil ililibre ata. Ngumiti sya.
Lalong lumalim ang isip ko. Lalong dumami ang mga bulaklak, ang mga bituin. Ang ngiti nya ay parang ngiti ng anghel.
Matagal din akong nakatitig sa kanya. Hindi ko nga namalayan na dumating na pala ang pagkain ko. Hanggang sa makuha ko ang kanyang atensyon. Pero tinignan nya lang ako. Isang segundo ata. Pero okay na yun. Sobrang nabuo ang araw ko. Napangiti nya ako. Gusto ko syang makilala pero marami syang kasama. Gusto kong kunin ang number nya pero di ko alam kung papaano. Alam ko pagsisisihan ko ito. Pero umalis ako ng kainan ng walang ginagawa. Tinitignan lang sya. Nakangiti.
Doon ko nalaman, mahilig talaga ako sa matanda.
Sana makilala ko sya.

Monday, April 11, 2005
End of the World?
napanood ko nung sabado sa MGB at Imbertigador...
Nalalapit na daw ang katapusan ng mundo, angsusunod na pope daw ang syang huling pope. Wala na pagkatapos nya. Iyon at ayon sa mga sulat ni Notradamus, at sinabi rin ng Our Lady of Mt Carmel sa isa sa tatlong bata..
Natakot naman daw ako. Pano na lang ang mga nabubuhay? Para saan pa ang mga ginagawa natin? Kung magugunaw rin lang ang mundo, bakit pa magpapatayo ng bahay? Bakit pa bibili ng kotse? Bakit kailangang magpaganda ng katawan? Magparetainers? Bakit pa kailangang mag-aral?
Naisip ko, baka naman kaya naging last pope iyon at dahil mababago ang kalakaran sa simbahan? Baka naman Group na lang sya ng mga Cardinals? Baka tatanggalin na ang pope kasi mas magiging maganda para sa pamumuno? Pwede rin na mabubuhay ang susunod na pope ng 100,000 years. Sapat para mabuhay pa rin ang tao. Pero di ibig sabihin na magugunaw na ang mundo...
Di ko alam.
Wag naman sana.
Hindi pa ako handa.
Sana pag dating ng panahon na yon, handa na ako.

Board Passer
i would like to congratulate
January Sanchez
for bagging the top slot in the recent law board examination as conducted by the Department of Justice.
You made me again a proud UP student, kahit hindi ako taga College of Law. Feeling ko, ako na rin ang naging top. hahaha.. You go lawyerre! (lawyerre : babaeng lawyer! hahaha)

Thursday, April 07, 2005
Goodbye Pope PJ

WE mourn the passing of Pope John Paul II.
His death is a cause for sorrow and anxiety. Sorrow, because the Pope was a well-loved and revered world leader and the shepherd of the Catholic faithful. Anxiety, because his loss may set backhis interfaith initiatives with other religious groups.
But, as so beautifully stated by one of the priests who was interviewed on CNN, the Pope's passing is also a cause for great joyfor persons of faith because it would onlymean that the Pope would finally be united with our Father in heaven. It is an event that the Pope himself was undoubtedly prepared for, and most likely even looking forward to, since man's true purpose is to live with God forever
— the God who loves us and gave us life!
Lablyf

Chowking, Robinsons Metro East
Nakikita nyo ba ang larawan?
Kasama ko dyan si Lea.
Siya ang babaeng pinahalagahan ko ng sobra.
Pero ngayon, kami ay wala na.
Ngunit ako ay patuloy na nabubuhay sa pantasya.
Na sa piling ko ay babalik sya.
Sana...
*Di ko sinadya na maging tula ito. Di ko alam kung bakit naging tula.
Tuesday, April 05, 2005
Paglisan
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
(pasintabi sa Color It Red na sa akin pagkakaalam at syang umawit nito)
Nalulungkot ako.
Di ko alam, bigla akong nalungkot.
Kulang isang buwan na lang kasi, ay hindi na kami magiging kupletong magkakapatid. Senyales na tumatanda na nga kami. Sa katapusan ng buwan na ito, lilipad na patungong Amerika ang aking kapatid na babae. Yung mas matanda. Mangyari kasi, napagkasunduan nilang mag-asawa na dun na lang lumagi. Ayos na ang papeles nila. Certified na immigrant na ang kapatid ko, ang pamangkin ko naman, isa nang ganap na US Citizen. Nakakatawang isipin na naunahan pa nya ako na makakuha kahit passport man lang.
Di ko pinapakita sa kanila na nalulungkot ako. Di naman kasi kami Chummy na magkakapatid. Hindi namin pinaparamdam na mahal namin ang isat isa. Basta ang alam namin, mahal namin ang isat isa. Ang totoo, sobra sobra ang lungkot na nararamdaman ko. Mahal ko kasi ang pamilya ko. Ayokong magkahiwahiwalay kami. Nakakalungkot. Pero wala akong magagawa. Matatanda na kami. Kelangan ko itong harapin, dahil sadyang darating sa punto na ikaw na lang talaga ang maiiwan sa sarili mong mundo. Dahil may kani kanya kaming buhay. Kanya kanya na ang pagsagupa namin sa mga alon ng dagat.
Pero kahit anong mangyari, alam kong hindi kami magkakalimutan. Mananatili kaming magkakapatid. Hanggang kamatayan. Kaya para sa kapatid ko...
INGAT.
MAHAL KITA.

Monday, April 04, 2005
UP REP Batch 01-A

The Up Repertory Company
Bukod sa pamilya ko (read: biological family at hindi ang anak at asawa ko) at meron din ako pamilya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ito ang The UP Repertory Company (take note: kailangan ang "The" , kung bakit, wag mo nang itanong, mahabang eksplanasyon)
Ang aking pamilya sa kolehiyo.
Kung meron mang nagturo sa akin ng mahahalagang bagay tungkol sa buhay sa UP at sa buhay in general, ito yun. Mahal ko to.
Baraha
Subscribe to:
Posts (Atom)