Wednesday, December 28, 2005

Napabayaan

Napabayaan ko na ang mga bagay sa paligid ko simula ng nagtrabaho ako sa PEN.

1. Napabayaan ko na ang social life ko, hindi na ako makapag mall o makapag Tom's World man lang (read: ang Tom's World ay isang parang world's of fun na nasa SM North, Ground floor, sa may fod court. Pinupuntahan ko ito kung nagyaya ang mga friends ko, kung walang magawa o kaya ay kung malungkot. Paborito ko dito ang basketball, Daytona at ang Time Crisis 2. Dito ko rin napanalunan ang stuff toys na sina Bugoy at si Baby Donald duck na iniwan ko sa mommy ng thesis partner ko na si Jac.)

2. Napabayaan ko na ang retainers ko. Hindi ako makapagsuot ng retainers kasi lagi akong on-the-go. Lagot siguro ako kay tita dentist kung mapapatawad pa nya ako at aayusin ulit ang retainers ko. Kung alam ko lang sana nagbraces na ako (as if may money)

3. Napabayaan ko na ang butas ko sa tenga. Bawal nga kasi ang hikaw sa loob ng pen, so nakalimutan ko nang ilagay sa tenga ko yung hikaw. Ngayon ko lang napansin ang tenga ko, hinahanap ko nga yung hikaw, hindi ko na makita. Nicheck ko na rin yung aking butas, nagsasara na kasi ayaw nang pumasok nung perdible na nitry kong ipasok.

4. Napabayaan ko na ang aking pagtulog. Lagi kasi akong kulang sa tulog. Puyat. Inaantok. Waaaah!

5. Napabayaan ko na ang aking mga friends. Di na kasi ako nakakadalaw sa UP para makipagkwentuhan sa kanila. Sabi nga nila, lagi na daw akong missing in action. Kamusta naman yung ganun? E nung college pa ako, di ako pwedeng mawala sa mga happenings. Hay!

6. Napapabayaan ko na pati ang aking pag aaply sa Pen. E kasi naman, wala akong oras para kumuha ng picture, Sunday na nga lang ang day-off ko, hindi pa ako makaalis ng bahay kasi tulog ako. Sigh...

7. Napapabayaan ko na rin ang aking practicum training. Napapadalas na nga ang aking pagabsent kasi pagod na ako sobra. Feeling ko kailangan ko talaga ng pahinga kung hindi mamamatay ako ng wala sa panahon. Alam ko namang ayaw nyo nun diba? Bwahekhek...

8. Napabayaan ko ang pamilya ko. Hindi na ako nakikipagkwentuhan sa kanila kasi gabi na ako umuuwi, tulog na sila. Minsan lang din kami magkasabay kumain ngayon kasi hindi nila ako inaantay. Mga panget! Hehehe..

9. Napabayaan ko ang pasko at bagong taon sa bahay. Ako kasi ang nagluluto ng Noche Buena at Medya Noche namin. Ngayon, hindi ko ito nagawa, kaya it turned out na normal na menudo at spaghetti ang Noche Buena. Sigh..

10. Napabayaan ko ang sarili ko. Hindi na ako active sa aking beautification project na pinapangako kong itutuloy ko. Napapabayaan ko na rin ang sarili ko. Pagod na kasi ako pero pinipilit ko pa rin na kumilos. Mahirap magtrabaho sa hotel. As in.

Sana hindi na madagdagan....

Nakakalungkot kasi.

Sunday, December 25, 2005

Pasko

December 24, 2005

Masaya ako, kasama ang friend ko na natulog sa bahay, pumasok ako ng maaga kahit 24 na para naman makauwi ako ng maaga. Alas nueve pa lang, nasa Pen na ako, excited, at masayang masaya na kahit na sinong makasalubong ko sa loob ng Pen, kahit di ko naman kakilala at binabati ko ng Merry Christmas. Wala lang, bait-baitan at friendly-friendlyhan na mode.

Nung bandang hapon, naalala ko, may something pala sa lobby ng Pen, dinner buffet sya na sosyal na para lamang sa mga alta sosyodad. Nag ready na kami, gawa ng sushi, sashimi, maki, noodles, at marami pang iba. Pati pagdedesign ng wasabi ay kinarir ko para naman maramdaman ng mga guest na astig yung Japanese kitchen. Bwehekhek...

Dalawa lang ang kasama ko sa Kitchen kasi yung isa ay nasa Nielsen's. Yung isa, ay yun Sous Chef sa Kitchen na yun at yung isa naman ay isang casual employee na casual pa rin after two years ng pagtatrabaho sa Pen. (*Paging Human Resources...). Trabaho, trabaho, trabaho, excited na pumatak ang orasan sa 6 para makapaghanda na at umuwi kasi nagpromise ako sa nanay ko na sasama ako magsimba ng 8.

Pumatak ang 6, nagpaalam ako umuwi, pero di pa tapos ang ginagawa kong paggawa ng Ebi Sushi (Read: isang baby prawn na binlanch at binutterfly fillet at saka nilagyan ng wasabi at sushi rice). Sabi ko sa sarili ko, okay, pagtapos na lang ng ginagawa ko at saka ako magpapaalam.

Lumipas ang isang oras, pagtapos ko sa Ebi Sushi, nagdagsaan naman ang orders mula sa lobby. Hindi ko inaasahan na ang aming hinanda ay magiging patok sa mga guests. Ganun na ba kasarap ang mga kamay namin at talagang pinilahhan ang mga nilamutak naming pagkain? Wahehehe.... Hindi ako nakauwi as usual kasi mababawasan ng tao sa kitchen.

Napansin ng mga kasama ko, hindi na ako masaya, hindi na ako kumakanta at medyo seryoso na ako sa ginagawa ko. Tinanong ako ng Sous Chef namin, sabi ko, wala, kinakarir ko lang tong ginagawa ko para mas mabilis para mabigay lahat ng orders sa lalong madaling panahon. Grabe talaga ako nun. Kahit mga juices (Na dapat ay ginagawa ng mga tao sa katabi naming Kitchen: Juice Bar) ay ginagawa ko na rin. Pati ang pagbalik balik sa Butchery para kumuha ng Salmon at Tuna.

Napressure ako aaminin ko. Nahati ang katawan ko, isama pa ang kagustuhan kong umuwi at ang feeling na baka mag Noche Buena ako sa kalsada. Bahala na. Pero, mangiyak-ngiyak na talga ako noon.

Nine na ng gabi nang magsalita ang Sous Chef pagkatapos nyang icheck ang lobby, in control na daw ang orders. Back to normal. Okay na daw, sa madaling salita, pwede na kaming magbagal ng konti at huminga gamit ang aming baga. Natawa ako, nakita ko kasi ang kusina, parang binagyo, to think na ayaw namin sa Japanese Kitchen ang maduming kusina. Bwehekhek.

Naglinis kami, at pagkatapos, nahiya sa akin ang kasama kong Casual. Nakita siguro nya sa mga mata ko na gustong gusto ko nang umuwi. Sya na ang nagsabi sa Sous Chef na pauwiin na ako. Sabagay, overtime na ako ng 4 hours. Umalis na ako ng kusina dala ang abot-abot na pasasasalamat ng aking Sous Chef sa akin, sa aking tulong. Natuwa naman ako, at least, naramdaman kong part ako ng team na yun. Na nakatulong ako sa kanila.

Niyaya akong magyosi ng Casual na yun, Inalok nya ako ng Marlboro na red. Sabi ko, di ako nagyoyosi ng Reds. At talagang nakita ko ang effort nya na manghingi sa mga kakilala nya ng Lights. WAheheh.. Siguro nahiya sya sa akin. Pagtapos nun, Nagbihis na ako para umuwi. Pumirma ako sa logbook ng trainees. Nalungkot ako nang malaman na ako pala ang huling lumabas sa mga trainee. Nakakalunkot kasi maaga akong pumasok. Waaaah.. Pero okay lang.

Sakay ako ng bus, tapos ng jeep. Nakatulog ako sa jeep, nagising lang ako nang may sumabog sa paligid ko. Akala ko, paputok, gulong pala. Ayun, lalo na akong nalungkot kasi baka di ako makaabot ng Noche buena. Quarter to 11 na, nasa kalsada pa rin ako, nagbibilang ng mga Christmas lights habang nakikinig sa kanta ni Say at Sam. Hahaha...

1130 nakauwi ako, nakakatuwa naman at nakaabot ako. Kahit simple lang naman ang Noche Buena namin, as in sobrang simple na sa baba kami nag Noche Buena, okay na rin,at least, nakahabol ako. Pagtapos nun, uminom ako mag isa, isang Red Horse grande lang naman, at saka nakatulog. Nakakapagod talaga...

*Burp, ngayon, busog ako! yey!

December 25, 2005

Walang ginawa kundi matulog, at kumain. Nakakainis kasi may pasok na naman bukas. Syet! T_T . Sana January 11 na! yey!!!

Monday, December 19, 2005

Nakakatamad na Araw

Waaaaaah!!! Sobrang tinatamad ako ngayon, gusto ko lang na humiga sa kama, magpahinga at ngumiti gamit ang aking mga labing mapupula at complete set of teeth.

Di ako pumasok, tamad ako, pero masaya ako at ayokong mawala ang pagiging masaya ko kaya di muna ako papasok. Targeting two birds sabi nga nila. Since tinatamad ako, di na ako papasok. At since gusto ko di mawala ang saya, di na rin ako papasok kasi pag nakita ko yung boss ko maiinis lang ako e. aheheh...

Masaya ako ngayon, di ko lam kung bakit pero natatakot din ako. Taena! In lab? bwahahaah!!! Di ko alam, naramdaman ko lang. Syet, sharing to. Bwahahaha!!!

Mamaya kukunin ko lisensya ko sa LTO Taytay. Sana naman nandun na yun, kalahating taon na yun nakalagak dun. Bwahekhek... Bili din yosi at higit sa lahat, manonood ng Madeline. hahah!

Tuesday, December 13, 2005

Bad Trip

Nakakainis talaga yung mentor ko sa Japanese Kitchen. Galing galingan sya. Kunwari ang daming alam. E kung tawagin naman sya ng mga kasama nya sa trabaho, pulpol! Lahat ng bagay may sarili syang style.

At yun ang dapat ko daw matutunan sa kanya.

Ang kanyang style.

Ang kanyang style na pulpol!

Bwiset! Napapagalitan ako dahil sa kanya. Mabilis naman ako pumick-up, pero pag sya talaga nagpapaliwanag parang umiiwas brain cells ko sa kanya. Isang beses, pinakuha nya ako ng kawali. Ako naman, abot ng kawali. Tapos nung tinignyan nya ako, para akong tinatawag nyang "tanga".

Sabi nya, "kasya ba yung isang litrong suka dyan? Yung ganito kunin mo! Mas malaki ng onti."

At ginawa ko naman, pagbigay ko sa kanya. Sinabi ko

"E chef di naman kawali yan e! Kaldero!"

Ang catch dun, ayaw nyang tanggapin ang pagkakamali nya, iniisip nya, sya pa rin ang magaling. Sabi nya sa akin, Pareho lang daw yun! Taena! Simula bata ako tinuro sa akin na magkaiba ang kawali at kaldero! Naku naman! Nag iinit talaga ulo ko sa kanya. Pasalamat sya mahaba haba ang pasensya ko.

Dahil kung hinde... GAGAWIN KO SYANG SUSHI!!!

Tinatamad

Pinagpapasa ako ng resume ng HR. Tinatamad akong gawin kasi wala lang!

Sobrang nakakapagod ang panahong ito. Ang lamig pa! Kung sana, natutulog na lang ako ngayon. Di ko na kailangang bumangon at pumunta ng makati at magpagod for 8 hours a day, 6 days a week nang wala man lang kinikitang kabuhayan. Ano ba naman yun? Mas nakakapagod pala ang ganun. Sana man lang may pampaganang allowance ang pen sa aming mga trainee. E napapagod din naman kami sa trabaho, minsan pa nga mas marami pa ang nagagawa namin kesa sa mga empleyado nila.

Anyway, gusto ko na ring simulan ang practicum report ko, kaso tinatamad din ako. Kung di lang ako tinatamad, siguro ay tapos ko na lahat ng yan non pa.

E bakit naman kasi sobrang nakakapagod ang trabaho. Para tuloy gusto ko na ring tamarin.
Umaga pa pala ngayon. Ang lamig kasi umuulan. Sarap matulog at umabsent sa trabaho.

Tinatamad ako!

Sunday, December 11, 2005

So eto na to!

Nag iba ako ng template ng blog ko para maiba naman. Feeling ko mas maganda to. Di masyadong maarte pero may dating! Yebah!

Tama ba ako?

Tagal na din ko di nakakapagpost dito sa blog ko. Mga isang buwan din. Masyado kasing busy sa practicum. You work 6 days a week, tapos 8 hours na minsan at kelangan mo pang mag overtime. Tapos uwian pa ako. Pano ba naman ang gagawin ko nyan?

Nasa kalahati na ako ng aking practicum sa Peninsula. Enjoy na man. Kaso uulitin ko lang. Kakapagod...

Unang department ko ay Front Office. Masaya naman dito. Laging overtime kasi kelangang mag bucket check. Pero kahit na ganun, ayus lang kasi marami namang tip! Hehe...
Kasama ko ay mga taga College of Saint Benilde na ayoko nang mag comment. (Brrr!)

Nasa Japanese Kitchen ako ngayon. Masaya ang mga tao sa kitchen kaso mas masaya ako nung nasa Front Office ako. Nag apply na nga pala ako for work bilang receptionist. Kelangan ko pang mag pasa ng resume ko. Taena di ko mahanap yung copy ng resume ko na sinubmit sa pen. Ayoko nang gumawa ng bago. Pag natanggap ako dito, mag tatrabaho na ako. Pag hindi naman, hahayaan ko munang aliwin ang sarili ko at maglaro ng ragnarok hanggang sa makagraduate ako ng tuluyan. Pahinga muna kung baga. Pero mas masaya ata kung matatanggap ako. *fingers crossed

Anyway, sana matapos na ako sa practicum. Nakakapagod palang magtrabaho sa isang kompanya, lalo na kung wala kang sweldo.

P.S. Miss ko na mga tropa ko sa UP. Miss ko na rin ang Rep. hayyyy...

Monday, December 05, 2005

Sa wakas

sa wakas... may pc na ako! wuhuuu...

kaso antok na ako mag kwento. saka na lang! hehehe... mabuhay ang bagong ligo!

*peace man!