Friday, January 25, 2008

2008

New year na, so what's new?
I got a new phone (o2 XDA ii mini)

New pets (Rob, Elmer, Glory, Klara and Kinchay)
A. Namulubi ako nung pasko. Sinama ako ng officemate ko sa Greenhills para bumili ng shoes, not knowing na ako pala ang mapapalaban sa gastos. Daan kami sa bilihan ng celphone, nakita ko ang isang o2 XDA ii mini, i repeat, o2 XDA ii mini, at parang pinagtagpo talaga kami ng tadhana. Sabi ko na, I am destined to be an o2 owner. Bwahahah!!! Narealize ko bigla, hindi naman nanalo si Prospero Pichay, pano natupad ang mga pangarap ko?
B. Got new pets. Maliban kay rob (na isang roborovski hamster, tanong mo na lang kung magkano yun sa petshop, hahaha!!! yabang! favorite ko tong si rob! mabait!)

Rob while playing habulan with his imaginary friend.
bago silang lahat. I bought kasi 1 pairs of hamsters all with green and mamahaling cage na supposedly pampaswerte this year of the rat. Unfortunately, at talaga nga namang mamalasin ata talaga ako, the pair died. So I bought another pair, thinking that I will be able to negate Mr. Destiny's ultimate dream of giving me a shit life. 2 pairs ng Siberian Hamster (na mukhang pirahna kasi di mo pwedeng hawakan, nangangagat!) The guy, Elmer, is a black rodent with white feet. (how do i post his pic here? hahaha). Elmer's girlfriend is named Glory. A brown hamster with red piercing eyes! ahahaha! Ako lang nagsabi na mag-ON sila, kahit minsan nag-aaway, at least tabi pa ring matulog. Yihee!!!

The guy, Elmer dreaming of becoming a watchdog.


Glory in all her glory.
Next we have Kinchay, a black guinea pig with brown hilights and white feet. Si Kinchay naman, medyo matapang although hindi nangangagat. Unlike the other guinea pigs, she do what she wants at wala kang magagawa (unless sasaktan mo sya) kung hindi sumunod. Minsan tuloy feeling ko ako yung pet nya. wahehehe... Pero mabait si Kinchay. Wala naman akong masasabi dun dahil true friend sya ni Klara. Minsan umiyak si Klara, to the rescue itong si Kinchay. Feeling ko tuloy Tibo sya.


Si Kinchay habang nagpapanggap na itim na repolyo

Speaking of Klara, eto na sya. Para lang syang laruan. Medyo pa-girl naman tong si Klara. Kikay din dahil mahilig mag groom. Very sosyal kumain, very feminine. Siguro kung ihahambing sa mundo natin, si Klara yung isa sa mga konyo.


Si Klara habang nakatunganga
SO that's it, ito na yung mga bagong anak ko. Iba't-iba ugali, meron ding gusto mo na lang patayin (di ko na lang sasbihin kung sino kasi baka ma-hurt siya.) wahahaha...
Next naman, bigyan ko kayo update sa lovelife ko at sa health ko. Can't wait? =)
Blogtest...

Buhay ka pa ba blog?

Tsug Tsug!!!

Wahehehe...Welcome 2008!