Friday, May 27, 2005

Ateneo Workshop atbp.

Salamat naman at natapos na rin ang workshop sa Ateneo.

Medyo nahirapan din akong isingit sya sa sked ko ngayong summer. Haggard kasi ang sked nya. Sakto sa mga panahong marami kang gagawin. Buti naman at ngayon ay natapos na. aheheh

may bago nga pala akong pet. hamster. ang pangalan nila ay sina MARTIN at POPS.

Sya ang bagong magiging alaga namin ng aking mga rummies sa dorm. Feeling ko kasi magiging sobrang busy ako sa next sem kasi nga thesis ko na. Kaya yan. bumili ako ng pagkakabalahan para naman mawala ang stress ko pagdating ng gabi. may pagmamasdan ako. sina Martin at Pops. Sana dumami sila para maging masaya sila. :P

RAGNAROKer...

So kamusta naman ako bilang ragnaroker?

Eto, may dalawa na akong character. Isang mage (magician) na ang pangalan ay "bodyok" gagawin ko syang sage sa kanyang second job. Meron din akong acolyte na ang pangalan ay "broooommm". Gagawin ko naman syang battle priest in the future.

Pero biglang nagkaroon ng problema. Di ako nakadownload ng episode 7 ng ragnarok. tinatamad na tuloy ako magragnarok. naisip ko kasi, sayang naman sa pera at saka sa panahon. pero naisip ko naman, pano na lang ako makakapag paalam sa ng kaibigan ko dun.

gusto kong magragnarok kaso ayokong maging adik dito. para kasing magkasama na yung dalawa e. :D

UNO

Alam mo blog, yung mga panahon di kita nabibisita all paid off.
For the first time in my University of the Philippines Diliman history, nakakuha ako ng UNO!

Di ko ineexpect nga to kasi nga di naman ako masyadong magaling sa Spanish, di ko lang talaga alam kung bakit ako nakakuha ng mataas. Siguro kasi ginawa ko yung BEST ko sa mga exams. ahehehe


asteeg!!! masayang masaya ako at least nakakuha ako ng uno bago pa man ako umalis ng UP. ahehehe